Lumaktaw sa pangunahing content

Facts About North Korea

Facts About North Korea



Ang bansang North Korea o Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) ay isang bansa sa rehiyon ng Silangan Asya na kilala dahil sa mga banta nito sa kalaban nitong bansa kagaya ng America. Nalalayo ito sa bansang South Korea na kadugtong nito sa tinatawag na Korean Peninsula dahil ang Nokor ay pinapatakbo ng militar, sila ay nasa ilalim ng Communist Movement sa pamamalakad sa kasalukuyan ni Supreme Leader Kim Jong-un. Nahati ang dalawang bansang ito noong World War II dahil narin nagkaroon sila ng magkaibang alliance, ang Nokor sa Soviet Union at ang Sokor ay sa America. Sinubukan nilang pag isahin ulit ang dalawang bansa ngunit ito ay hindi nagtagumpay. Taong 1950-1953 ay nagkaroon ng Korean War na naging dahilan para mabuo ang agreement at ang border (Korean Demilitarized Zone) ng dalawang bansa. Hindi pinahihintulutan na makapunta ang mga taga Sokor sa Nokor at vice versa.

Ayan ay short introduction lamang ng Nokor. Dadako na ako sa ilang mga facts tungkol sa kanilang bansa. Naalala ko noon nung nanonood ako ng t.v. ang palabas pa ay kay Jessica Soho Reports if i'm not mistaken, bumisita siya sa bansang Nokor. Dito ko nalaman na sa bansang ito hindi basta basta nakakatravel dito. Hindi rin sila nagpapalabas ng mga foreign movie, tv series. At kung hindi ako nagkakamali ay ilan lang ang palabas sa kanilang tv at ito ay tungkol sa history ng Nokor. Wala ring mga advertisement ng mga produkto ng foreign country. Ang saklap ano? Kaya pala ito tinawag din na The Hermit Kingdom dahil para silang Omang na itinatago ang bansa.

Facts
1.) The newest leader, Kim Jong Un, is an eccentric, brutal dictator
          Matapos na mamatay ang kanyang ama ay siya na ang namuno sa bansang Nokor. Siya lang ang natatanging General ng military sa buong mundo na walang military experience. Alam niyo ba na nag pa plastic surgery pa siya para lamang maging kamukha niya ang lolo niya. Sa mga nanyayaring sigalot ng Nokor sa ibang bansa, nakikita hindi lang ng mga mamamayan ng Nokor pati na ang ibang bansa na mas nangingibabaw ang pansariling kapangyarihan at hindi ang kapakanan ng kanyang nasasakupan.

2.) Kim Il-Sung is their only true leader
          Siya ang pinaka minahal ng mga taga Nokor dahil sa pamumuno nito sa kanilang bansa simula noong nagkaroon ng war between other nations. Kaya magpasahanggang ngayon, siya padin ang pinaka kilalang leader ng Nokor.

3.) North Korea will punish you for three generations
          Ang punishment na ito ng Nokor ay against talaga sa human rights. Bakit? Halimbawa na ang lolo mo ay naka commit ng crime, buong family niya hanggang sa apo ay ma pupunish at pwedeng makulong kahit walang kinalaman sa nagawa ng kanilang lolo.

4.) North Korea holds elections
          Dito ako natawa, may elections pero walang choice. Bakit ulit? Dahil ang iboboto mo ay isang tao lang at wala itong kalaban, yes makakaboto ka pero panigurado na ang 100% na panalo ng leader na ito. So what's the sense of voting?

5.)  It’s the year 105 in North Korea
          Ang kalendaryo na ginagamit ng mga taga Nokor ay hindi kagaya ng ginagamit sa ibang bansa. Nagsimula ang kanilang taon noong kapanganakan ng kanilang leader na si Kim Il-Sung noong April 15, 1912. So para sa kanila, 105 years palang ang kanilang bansa.

6.) Children must attend school, but at a cost
          At a cost? Meaning? Ang mga estudyante dito ay required mag aral at yan ay utos ng kanilang leader. Pero kailangan ng mga bata na magdala ng sarili nilang upuan at lamesa pagpasok. Hindi lang yun, dahil alam natin na mas malamig sa Nokor ay may bayad pati ang heater sa kanilang eskwelahan. Kaya madami sa kanila ay nagiging out of school youth at binabayaran nalang ng mga magulang ang mga guro dito para hindi sila ireport.

7.) North Korea operates concentration camps
          Kilala ang mga concentration camps sa panahon ng World War at dahil ito kay Adolf Hitler. Sa kasalukuyan ay meron nito sa Nokor. Dahil sa 3rd generation rule pag naka commit ng crime kaya dumadami ang mga taong napupunta dito. Oras na kahit isa sa pamilya nila ay tumakas, and mga kapamilya nito ay papatayin din. Karamihan sa mga ito ay namamatay dahil sa walang makain sa camp at dahil sa mabigat na trabahong ibinibigay sa kanila sa lugar na ito.

8.) North Korea has no laws regarding Marijuana
          Well, hindi illegal ang Cannabis sa kanila dahil wala daw nakikitang rason para i ban ito sa kanila, in fact mabibili mo ito sa mga market sa Nokor. Pwede mo itong gamitin sa mga public places like resto at mga park. Ito ay hinahalili nila sa tobacco dahil mas mura ang Cannabis.

9.) The country’s widespread poverty is even visible from space
          Literal na parang Great Wall of China na makikita mo sa space? Ang Nokor ay isa sa pinakamadaming mahihirap na pamilya maliban sa mga bansa sa Africa. Higit sa kalahati ng kanilang populasyon ay mahihirap.

10.) Without oil, they’ve turned to wood-powered cars
          Dahil nga sa hindi open country ang bansang ito, sa kaalyado nilang china ang tanging pinagkukuhaan nila ng mga langis. Ang nga sasakyan dito ay ginagamitan ng wood gas o yung carbon monoxide at hydrogen gas na galing sa wood or charcoal ang nagpapatakbo sa gawang sasakyan nila dito. Nakikita ng mga eksperto ang masamang epekto nito sa atmosphere natin. Ang mga wood gas vehicle ay naimbento noon pang 1839 at nagamit na din sa digmaang pandaigdigan.

So sa iilan palang na nalaman mo tungkol sa bansang North Korea, gugustuhin mo bang tumira dito?

Source: wikipedia, ferocesmente.com

May Komento ba kayo dito
Free po mag comment.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

AGARTHA

Agartha - (sometimes referred to as Agartta, Agharti or Agarttha) is a legendary city that is said to reside in the Earth's core. Shamballa (also known as Shambalah or Shangri-La) is sometimes said to be its capital city. The mythical paradise of Shamballa is known under many different names: It has been called the Forbidden Land, the Land of White Waters, the Land of Radiant Spirits, the Land of Living Fire, the Land of the Living Gods and the Land of Wonders. Hindus have known it as Aryavartha (literally : The Land or Realm of The Aryans ; the Land of the Noble/Worthy Ones') - the land from which the Vedas come; the Chinese as Hsi Tien, the Western Paradise of Hsi Wang Mu, the Royal Mother of the West; the Russian Old Believers, a nineteenth-century Christian sect, knew it as Belovodye and the Kirghiz people as Janaidar. But throughout Asia it is best known by its Sanskrit name, Shambhala, meaning 'the place of peace, of tranquillity.' The Entrances There are ...

Presidential Controversies

Presidential Controversies Kung ngayon si duterte ang pinaka astig at kontrobersyal n pangulo ng pilipinas noon kilala si Emilio Aguinaldo na pinaka kontrobersyal na presidente ng pilipinas dahil sa pagkakaugnay ng pangalan nya kina Andres Bonifacio na ama ng katipunan na sinasabing sya dapat ang unang pangulo ng pilipinas na kakaunaunahang naging republika sa asya, ayon sa kasaysayan parehong mason ang dalawa at sumali si aguinaldo sa katipunan, dahil s Tejeros convention nagkaroon ng lamat ang katipunan, marami sa mga kaalyado ni Aguinaldo ay gustong patasikin ang supremo dahil dito inaresto ang magkapatid na Bonifacio dahil sa rebelyon laban sa pamumuno ng gobyernong Aguinaldo, nilitis ang magkapatid at nahatulan noong May 4, 1897  at pinatay sa maragondon Cavite noong May 10, 1897 ang makapatid na Procopio at Andtes Bonifacio sa pamamagitan ng pagbaril, may kwento ni tinadtad ng taga ang katawan ng Supremo ay inilibing, ito ay inamin ni aguinaldo sa kanyang liham na may k...