"Ang aura ng Pusa"
May pusa ka ba sa inyo? Alam mo bang ang aura ng pusa nyo ay maaaring ang prumoprotekta sa inyo laban sa sa mga Multo at ibang mga negatibong bagay?
Obviously, pet animal ang mga pusa. Pero ano nga bang naitutulong nila or ano nga bang significant nila sa tahanan nyo bukod sa pagiging cute?
Marami ngang mas gusto na lang mag-alaga ng aso. Ang aso kasi mas maasahan. Kumpara sa mga pusa, tinawag na "Man's best friend" ang mga aso sa kadahilanang mas maraming nakikitang tulong sa mga aso kesa sa pusa.
Pero ang di natin alam, ang mga pusa ay isa mga pinaka-magical at gifted na nilalang na nabubuhay sa mundo.
Isa sa mga importansya ng pusa ay pinoprotektahan tayo nito laban sa masasamang espirito, kakaibang mga nilalang na hindi sa ating pisikal na dimensyon at mga multo na kasama na natin bago pa man tayo magkaroon ng alagang pusa.
Kung pagmamasdang mabuti ang mga pusa, mapapansin natin na minsan eh pabalik-balik ito sa isang posisyon o lugar sa ating bahay, na may tense posture, at tila ba'y may tinitingnan kung saan.
Ang mga behavior nga na ganito ay maaring senyales ng presensya ng masamang espirito o negatibong entity.
Nakaka-amaze din na ang kulay ng pusa ay nagde-decide ng ating pangunahing pangangailangan.
Isa din sa pinaka-magical talaga sa mga pusa ay tungkol sa "Healing". Sabi ng mga eksperto, kaya daw ng mga pusa ang manggamot at pwede din nilang gamutin ang kanilang masters, na nasa paghigang posisyon.
Ang pagkakaroon nga ng pusa sa isang bahay ay prumoprotekta dito laban sa mga masasamang mata o mga sumpa. Sabi kasi mg nga eksperto, ang mga pusa ay isang buhay na transmitter ng cosmic energy na nakapagbibigay naman ng positive energy.
Ang simpleng stroking nga sa pusa ay nakakapagpawala ng stress sa mga tao gaya ng Emotional at Mental stress na sya namang pinakamadaling paraan ng panggamot sa tulong ng mga pusa. Ang mga sakit kasi ay sinasabing psychological. Ang paglalabas ng mga pusa ng positive vibes ay nagbibigay naman sa mga tao ng positive na view.
Ginagawa din ng mga Russian na sa twing lilipat sila ng bahay, pinapagala muna nila ang kanilang pusa sa loob ng bagong bahay upang maalis ang anumang negatibong enerhiya, at anupaman sa bahay na yaon.
Nakakatulog kasi talaga ang pusa sa pag-aalis ng mga hindi natin magugustuhan na mga negative energy lalo na sa mga lumang bahay o haunted house.


Mga Komento
Mag-post ng isang Komento