Lumaktaw sa pangunahing content

MEDITATION

MEDITAION

>>Ito na naman magbibigay ako ng paraan ng pagmemeditasyon<<
Ang pagmemeditation ay isang napakahalagang salik na ipinamana ng mga romano para mairelax at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng isip natin mula sa kaguluhan.

Ang meditation ay nahahati sa ibat-ibang bahagi na tinatawag na STATE,dito mo mauunawaan kung hanggang saang state ang nararating ng pagmemeditasyon.

1st state:

tinatawag itong
JAGRUTI STATE, ito ang state na kung saan aware ka pa sa paligid mo.

2nd state:

tinatawag itong SWAPNA STATE
, dito naghahalo ang alanganing antok o panaginip.

3rd state:

tinatawag itong SUSHUPTI STATE, dito ay malalim na ang meditation mo na kung saan ay wala ka ng malay sa labas ng katawan mo,kundi ay nasa loob kana.

4th state:

tinatawag itong TUR
YA STATE,na kung saan ay kinasasaklawan mo na ang buo mong isipan at buo mong katawan.

STEP ON HOW TO MEDITATE
<<<<hindi po talaga natin kailangan ng napakatahimik,malawak at mala-gubat na tanawin para magmeditate.

Ang kailangan lang natin ay ihanda natin ang ating senses(panramdam),ito ang pinakamahalagang bagay na dapat nating maihanda.

Unang hakbang.
Maaari tayong humiga, umupo o kahit naka-tayo pa man na kung saan ay sa tingin nating relax ang ating katawan.
TANDAAN:dapat wala niisa sa laman natin ang gumagamit ng lakas,kahit talukap mata.

kaya dapat nakapikit habang ginagawa ang unang hakbang papasok sa unang STATE ng meditation.

Ang unang state ay kinakailangan ng attention sa iyong paghinga,dapat ang focus ng iyong isipan ay nakatutok lang sa daanan ng hangin mula sa ilong,kung maaari pakiramdaman mo ang hanging naglalabas pasok sa ilong papuntang baga.

Tumatagal ito ng mahigit 10mins para makapasok sa unang state...

Tandaan palagi dapat wala kang ibang attention kundi sa hangin lamang na dumadaan papuntang lungs.
NOTE:
Kapag nagawa mo ito sa loob ng 10mins ng malinis at wala kang ibang iniisip. CONGRATS dahil nakapasok kana sa 1st STATE OF MEDITATION.

Icongrats ulit kita dahil nagawa mo ng malinis ang unang state,

kaya oras na siguro para ituro ko ang ikalawang estado ng pagmemeditasyon.

2nd Step of Meditation
ang ikalawang estado ay kinakailangan pa rin ng maiging attention,dahil hindi mo dapat mabitiwan ang unang state of meditation dahil hinding hindi ka makakapasok sa ikalawang level ng meditasyon.

Hakbang
ipagpatuloy lamang ang unang meditation,at pay more attention for the second state.
Ang ikalawang state ay patungkol pa rin sa unang state na dapat mong masterin.

Mararamdaman mo habang pumapasok ka sa ikalawang state ang pagbagal at paghina ng pagpasok ng hangin,mararamdaman mo din na kusa ka ng humihinga,kaya concentrate lang dahil mahirap to maunawaan kung hindi mo nagagawa at natatapos ang unang state,itong state na 'to ay unti-unting hihina ang pakiramdam mo at matutuon kana sa katahimikan,,babagal din ang pagiisip at lilinaw lahat ng katanungan sa isipan mo,,dito din mararamdaman mo kung ano ang mga bagay na gumugulo sa isipan mo,
at ito na ang ikalawang estado ng pagmemeditasyon.

concentrate lang ng maigi relax ka lang dapat dahil dalawa na ang nalalagpasan mo.

(sa palagay ko oras na para pumasok na tayo sa ikatlong estado ng pagmemeditasyon)

ang ikatlong state ay patungkol sa kalaliman ng iyong pagmemeditasyon,dito sa estado na ito wala ka ng nararamdaman mula sa labas dahil nasaloob kana ng iyong kaisipan,dito mo maaaring masagutan at mabura ang mga bagay bagay na bumabagabag sa iyo,dito mananatili ang kapayapaan sa kaisipan mo,habang andito ka sa state na to unti-unting nahuhukay ang ala-alang nalimot na ng panahon.

Habang andito ka sa state na to mararamdaman mo ang
 malamig at magaan na dumadaloy mula bunbunan hanggang batok sa likod at dadaan mula balikat hanggang dibdib.
(Itutuloy ang ikaapat na istado sa susunod.........)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

AGARTHA

Agartha - (sometimes referred to as Agartta, Agharti or Agarttha) is a legendary city that is said to reside in the Earth's core. Shamballa (also known as Shambalah or Shangri-La) is sometimes said to be its capital city. The mythical paradise of Shamballa is known under many different names: It has been called the Forbidden Land, the Land of White Waters, the Land of Radiant Spirits, the Land of Living Fire, the Land of the Living Gods and the Land of Wonders. Hindus have known it as Aryavartha (literally : The Land or Realm of The Aryans ; the Land of the Noble/Worthy Ones') - the land from which the Vedas come; the Chinese as Hsi Tien, the Western Paradise of Hsi Wang Mu, the Royal Mother of the West; the Russian Old Believers, a nineteenth-century Christian sect, knew it as Belovodye and the Kirghiz people as Janaidar. But throughout Asia it is best known by its Sanskrit name, Shambhala, meaning 'the place of peace, of tranquillity.' The Entrances There are ...

Facts About North Korea

Facts About North Korea Ang bansang North Korea o Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) ay isang bansa sa rehiyon ng Silangan Asya na kilala dahil sa mga banta nito sa kalaban nitong bansa kagaya ng America. Nalalayo ito sa bansang South Korea na kadugtong nito sa tinatawag na Korean Peninsula dahil ang Nokor ay pinapatakbo ng militar, sila ay nasa ilalim ng Communist Movement sa pamamalakad sa kasalukuyan ni Supreme Leader Kim Jong-un. Nahati ang dalawang bansang ito noong World War II dahil narin nagkaroon sila ng magkaibang alliance, ang Nokor sa Soviet Union at ang Sokor ay sa America. Sinubukan nilang pag isahin ulit ang dalawang bansa ngunit ito ay hindi nagtagumpay. Taong 1950-1953 ay nagkaroon ng Korean War na naging dahilan para mabuo ang agreement at ang border (Korean Demilitarized Zone) ng dalawang bansa. Hindi pinahihintulutan na makapunta ang mga taga Sokor sa Nokor at vice versa. Ayan ay short introduction lamang ng Nokor. Dadako na ako sa ilang mga facts ...

Presidential Controversies

Presidential Controversies Kung ngayon si duterte ang pinaka astig at kontrobersyal n pangulo ng pilipinas noon kilala si Emilio Aguinaldo na pinaka kontrobersyal na presidente ng pilipinas dahil sa pagkakaugnay ng pangalan nya kina Andres Bonifacio na ama ng katipunan na sinasabing sya dapat ang unang pangulo ng pilipinas na kakaunaunahang naging republika sa asya, ayon sa kasaysayan parehong mason ang dalawa at sumali si aguinaldo sa katipunan, dahil s Tejeros convention nagkaroon ng lamat ang katipunan, marami sa mga kaalyado ni Aguinaldo ay gustong patasikin ang supremo dahil dito inaresto ang magkapatid na Bonifacio dahil sa rebelyon laban sa pamumuno ng gobyernong Aguinaldo, nilitis ang magkapatid at nahatulan noong May 4, 1897  at pinatay sa maragondon Cavite noong May 10, 1897 ang makapatid na Procopio at Andtes Bonifacio sa pamamagitan ng pagbaril, may kwento ni tinadtad ng taga ang katawan ng Supremo ay inilibing, ito ay inamin ni aguinaldo sa kanyang liham na may k...