Lumaktaw sa pangunahing content

SIGBIN

Sigbin

Anung Uri Ang Sigbin
Kung bibilangin ang mga kwentong engkanto sa Pilipinas, medyo maraming uri at may iba’t ibang kakayahan. Meron isang kakaibang uri ng hayop na pinaniniwalaang matatagpuan sa Visayas at Mindanao lang. Ang hayop na ito ay ikinukumpara sa kambing o di kaya naman ay sa kangaroo.Ang mukha ay katulad ng paniki, mahaba at matulis na pangil, mapupulang mata. Ayon sa mga taga panaliksik ito ay bagong tuklas na hayop na natagpuan sa Borneo, isang uri ng hayop na karniboro o kumakain lang ng karne. pero patuloy pa rin ang kanilang pangangalap ng impormasyon para matukoy kung ano talaga ito at mapag aralan na din ang ganitong klaseng hayop. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin patunay na sila ay nabubuhay. Kaya naman siguro mapula ang kanilang mata dahil sila ay mas aktibo sa gabi. At dahil maraming paniniwala ang mga ninunong Pilipino, isa din ito sa sinasabing kampon ng demonyo, o sugo ng mga masasamang ispirito. Ito din daw ay isa sa mga kasabwat ng aswang o sugo ng aswang. Ang sigbin ay madalas sa gabi aktibo sa paghahanap ng kanilang pagkain. Ang laman loob ng tao, dugo at mga hayop ang kanilang kinakain. At kahit na patay na tao o hayop ay kinakain pa rin... Kaya siguro, ang sabi ng matatanda, ang amoy nito ay napakabaho. Nakakasulasok na amoy, o nakakasukang amoy. Ang sigbin ay may mahabang buntot. Mas mahaba kumpara sa kambing. Ang kanilang mapulang mata ay dahilan siguro sa pagiging aktibo nila sa gabi. Sinasabing inuutusan sila ng aswang na maghanap ng biktima katulad ng mga hayop, kapag walang nahanap na taong pwedeng maging biktima. Ang ibang tao ay naniniwala na kapag meron kang nahuling sigbin, ito ay nagbibigay swerte sa lahat ng bagay na iyong gagawin. Pero kailangan, panatilihin itong buhay, madalas inilalagak sa malaking banga at pinapakain ng dugo. Ang ibang tao sa ibang probinsya ay naniniwala na kapag may namatay sa kanilang alagang hayop, madalas isinisisi nila ito sa sigbin. Isa pang paniwala nila, ito ay kayang sumipsip ng dugo sa pamamagitan ng pag sipsip sa anino ng tao. Isang hindi pangkaraniwang kakayahan. Ang mga ganitong kwento ay batay sa mga matatanda na sinasabing nagkaron ng karanasan sa mga ganitong bagay. Ang kailangan lang gawin ay mag ingat palagi.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

AGARTHA

Agartha - (sometimes referred to as Agartta, Agharti or Agarttha) is a legendary city that is said to reside in the Earth's core. Shamballa (also known as Shambalah or Shangri-La) is sometimes said to be its capital city. The mythical paradise of Shamballa is known under many different names: It has been called the Forbidden Land, the Land of White Waters, the Land of Radiant Spirits, the Land of Living Fire, the Land of the Living Gods and the Land of Wonders. Hindus have known it as Aryavartha (literally : The Land or Realm of The Aryans ; the Land of the Noble/Worthy Ones') - the land from which the Vedas come; the Chinese as Hsi Tien, the Western Paradise of Hsi Wang Mu, the Royal Mother of the West; the Russian Old Believers, a nineteenth-century Christian sect, knew it as Belovodye and the Kirghiz people as Janaidar. But throughout Asia it is best known by its Sanskrit name, Shambhala, meaning 'the place of peace, of tranquillity.' The Entrances There are ...

Facts About North Korea

Facts About North Korea Ang bansang North Korea o Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) ay isang bansa sa rehiyon ng Silangan Asya na kilala dahil sa mga banta nito sa kalaban nitong bansa kagaya ng America. Nalalayo ito sa bansang South Korea na kadugtong nito sa tinatawag na Korean Peninsula dahil ang Nokor ay pinapatakbo ng militar, sila ay nasa ilalim ng Communist Movement sa pamamalakad sa kasalukuyan ni Supreme Leader Kim Jong-un. Nahati ang dalawang bansang ito noong World War II dahil narin nagkaroon sila ng magkaibang alliance, ang Nokor sa Soviet Union at ang Sokor ay sa America. Sinubukan nilang pag isahin ulit ang dalawang bansa ngunit ito ay hindi nagtagumpay. Taong 1950-1953 ay nagkaroon ng Korean War na naging dahilan para mabuo ang agreement at ang border (Korean Demilitarized Zone) ng dalawang bansa. Hindi pinahihintulutan na makapunta ang mga taga Sokor sa Nokor at vice versa. Ayan ay short introduction lamang ng Nokor. Dadako na ako sa ilang mga facts ...

Presidential Controversies

Presidential Controversies Kung ngayon si duterte ang pinaka astig at kontrobersyal n pangulo ng pilipinas noon kilala si Emilio Aguinaldo na pinaka kontrobersyal na presidente ng pilipinas dahil sa pagkakaugnay ng pangalan nya kina Andres Bonifacio na ama ng katipunan na sinasabing sya dapat ang unang pangulo ng pilipinas na kakaunaunahang naging republika sa asya, ayon sa kasaysayan parehong mason ang dalawa at sumali si aguinaldo sa katipunan, dahil s Tejeros convention nagkaroon ng lamat ang katipunan, marami sa mga kaalyado ni Aguinaldo ay gustong patasikin ang supremo dahil dito inaresto ang magkapatid na Bonifacio dahil sa rebelyon laban sa pamumuno ng gobyernong Aguinaldo, nilitis ang magkapatid at nahatulan noong May 4, 1897  at pinatay sa maragondon Cavite noong May 10, 1897 ang makapatid na Procopio at Andtes Bonifacio sa pamamagitan ng pagbaril, may kwento ni tinadtad ng taga ang katawan ng Supremo ay inilibing, ito ay inamin ni aguinaldo sa kanyang liham na may k...